|

 Hello sa iyo!  (^0^)/

May tanong ako... Gusto mo bang gumawa ng story pero hindi mo alam kung pano simulan? Kung oo, ituloy mo ang pagbasa kasi baka makatulong yung mga pinaglalagay ko. Kung hindi naman, pwede mung i-exit yung page. Toinks! Aha. Baka kasi masayang oras mo, mahiya naman daw ako. (>u<)7

Ginawa ko ito para mag-share. Hindi ako nagresearch kung paano nga ba rules and regulations pagdating sa paggawa ng story. Bale experiences ko ang mga mababasa mo nyan. Bigla nalang kasing dumating sakin nun na parang, "Ay! Gusto ko ring gumawa ng kwento." Okay, kumuha ako ng lapis at papel tapos biglang, "Ay? Anong isusulat ko?" 
Iwagayway kamay ng mga naka-relate!  (*u*)/

Ayan, may ideya ka na kung anong meron. Feel free to close this window kung pakiramdam mo na wala naman mangyayari kahit mabasa mo yung mga chuvachenesses ko bago ako nakagawa ng story. (^_^) Pero kung intresado ka, abay hayaan mo kong sabihin sayo yung mga pumasok sa kokote ko habang nag-iimagine ng kung anu-ano. Yebah!
Inform nga pala kita na bago lang ako pagdating sa paglikha ng kwento. Uhm, wag sanang maghusga? O kaya manlait ng gawa? Kasi pwedeng mas matagal kana pala kesa sakin kaya kahit tama ang ibang mababasa meron ding mali. Pwede ring maging sang-ayon ka, pwede ring hindi. Ayun... hihihi.    (^-^)v

And yes, patapos na introduction! Wahaha! Meron sana akong maitulong sayo. May malaman ka sana pagkatapos mong mabasa yung mga eklavush ko pagdating sa paglikha ng story. Masaya ako ngayon sa ginagawa ko kaya gusto kong mag-share. Naniniwala kasi ako na, "Lahat ng tao ay pwedeng gumawa ng kwento. Kailangan lang ng inspirasyon para maihayag ang nasasaloob nito." Yung iba naman masaya ng nagbabasa kaya hindi na nila ma-express sarili. Nasa hilig na rin siguro. Ganyan talaga, kanya-kanya ng gusto yan. Nyahahah!

Good luck and God speed!

Click --> BelomaCassidy

 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola